"𝐈𝐒𝐊𝐖𝐀𝐓𝐄𝐑"


𝐈𝐒𝐊𝐖𝐀𝐓𝐄𝐑 𝐧𝐢 𝐋𝐮𝐢𝐬 𝐆. 𝐀𝐬𝐮𝐧𝐜𝐢𝐨𝐧
𝐌𝐮𝐥𝐚 𝐬𝐚 𝐀𝐧𝐢: 𝐏𝐚𝐧𝐢𝐭𝐢𝐤𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐡𝐢𝐫𝐚𝐩𝐚𝐧

PAGTATAYA

Narito ang gabay sa pagsusuri at huwag kalimutan na ilagay pa rin sa inyong ginawang blog ang mga sumusunod na sagot sa pagsusuri. 

1. Ano ang sentral na paksa ng sanaysay?

Sagot: Ang pangunahing paksa ng sanaysay ay ang uri ng pamumuhay ang mayroon ang bida sa akda sa tinitirhang iskwater area. Kung paano ito nagbago ang problemang hinaharap, at saloobin na binabahagi ng bidang karakter. 

2. Mayroon bang paksa na 'di tuwirang tinatalakay sa tekso? Magbigay ng halimbawa. 

Sagot: Mayroon, ito ay ang dahilan kung kung bakit nagsulputan ang mga mansyon sa isang lugar (iskwater) kung saan ang tanging naninirahan lamang ay ang mga mahihirap. Hindi ito binigyang linaw ng may akda kaya ang nag-iwan ito ng katanungan sa aking kaisipan. 

3. Ano ang layunin ng may sa pagtatalakay sa paksa? 

Sagot: Ang akda ay nagbabahagi ng karanasan at saloobin. Pinapakita nito ang pagbabagong naganap sa iskwater na kanilang tinitirhan, kung gaano pa ito hindi kagulo noong mga nagdaang taon, at kung paano ito naging maingay at magulo magmula noong nagsulputan ang mga bahay/mansiyon sa kanilang lugar. Gusto rin ipabatid ng may akda ang kapangyarihang mayroon ang mayayaman. Gaya sa sanaysay na kung saan ang mahihirap ay 'di kalian mang nakatira sa lugar ng mga mahihirap ano mang oras nila gustuhin. 

4. Ano- anong mga ideya ang sinang-ayunan mo sa sanaysay? Bakit? Ano- ano naman ang mga hindi mo sinasang- ayunan? Bakit? 

Sagot: Ang ideya na aking sinang-ayunan ko sa sanaysay ay ang ideyang "pakikipaglaban na hindi dumanak ng dugo laban sa pamamagitan ng matiwasay na pakikipag-usap sa may katungkulan." Sang- ayon ako sa ideyang ito dahil pinapakita nito na ang isang suliranin ay hindi kailangang dumaan sa dahas. Ang pakikipag-usap ng matiwasay, malaman ang panig ng bawat sangkot ay sapat na upang masolusyunan ito. Ang hindi ko naman sinang-ayunan ay ang mabagal na aksyon ng gobyerno. Sinabi sa akda na "nangako ang gobyerno na kapag umalis kami ay may nakahanda kaming malilipatan na parte sa payatas". Pero ang iba naman ay patuloy pa ring naghihintay. Dito makikita ang kapabayaan ng gobyerno. Bakit hindi nila solusyunan ang problemang matitirhan ng mga iskwaters. At ang pagtayo ng mga mansyon ng mga mayayaman sa mapayapang mumunting tahanan ng mga iskwater ay isang ideya rin na hindi ko sinang-ayunan na kung saan ang lugar na yun ay mapayapa bago  sila dumating, sila ang nagdulot ng ingay sa lugar. 

5. Paano ka nakakaugnay sa mga kaisipang nakalahad sa tekso? Ipaliwanag

Sagot: Nakakaugnay ako sa kaisipan na ang buhay ay hindi pantay. May mga bagay na madaling makamit ng iba, habang may naghihirap at nagtitiis na makamtan ito. Nakakaugnay rin ang sanaysay na " nasa tao ang gawa". Sabi sa isang linya ng sanaysay "ipinanganak akong mahirap ay mamatay din ata akong mahirap" may kakayahan ang isang tao na baguhin ang kanyang palad. Mahirap man ang isang sitwasyon, kung determinado kang malampasan ito, malalampasan ito. 

6. Gaano kahalaga ang pagtatalakay ng sanaysay sa paglilinaw sa konsepto ng iskwater? Nagbago ba rito ang pananaw mo sa kahulugan ng iskwater? Ipaliwanag

Sagot: Karamihan sa ibang tao hindi naiintindihan kung ano nga ba ang meron sa iskwater kaya ganun na lamang kung magsabe ang iba na ang iskwater ay madumi, maingay, pugad ng mga kriminal, magnanakaw, atbp. Nagbago ang aking pananaw ng malaman ko ang tungkol sa kalagayan na mga tao sa iskwater area at kung bakit ganun na lamang nila ipinaglalaban ang kanilang tinitirhan kahit alam nila na hindi naman nila pagmamay-ari ang lupain na iyon. Ngunit hindi ko naman masisisi kung bakit naisip nilang tumira sa iskwater dahilan yun na lamang ang kanilang pag-asa na mabuhay at mabigyan ng maliit na barong-barong ang kanilang pamilya. At dumagdag pa ang mga mayayaman na akala mo'y mga mayayabang at nagpapasikat. Kaya sa pamamagitan ng sanaysay na ito nalalalaman ko kung ano nga ba ang buhay mayroon ang mga tao sa loob ng iskwater at kung anong kalagayan ang kanilang natatamasa. 

7. Paano maiuugnay ang tekso sa realidad ng lipunan sa kasalukuyan? Ipaliwanag

Sagot: Alam natin na kilala ang Pilipinas bilang isa sa mga pinakamahirap na bansa. Kaya maraming mga mahihirap na naisipan nalang tumira sa iskwater na kung ating isaliksik ang kahulugan nito ito ay ang lugar kung saan ang mga nakatira ay mga mahihirap na tao na walang matitirhan at nakikitira sa mga lupain na hindi naman nila pagmamay-ari. Maiuugnay ang tekso sa realidad ng lipunan kung saan talamak ang kahirapan sa ating bansa. Sa lipunan  natin ngayon maituturing na pinakamababang uri ng pamumuhay mayroon ang taong walang sariling tahanan. Maiuugnay din kung saan ang mga mayayaman ay nagtago sa likod ng iskwater upang gumawa ng 'di kanais-nais at ang mga mayayamang kriminal o negostante na nakatira doon upang gumagawa ng illegal. Ang pananamantala/ pagiging oportunista nila ay nagdudulot lamang ng hindi mabuti sa lipunan, lalo lamang nito pinapalala ang sitwasyong panlipunang kinabibilangan. Ang mga nilalaman ng tekso na nandito ay base sa tunay na larawan ng lipunan sa ating bansa na kailanma'y hindi magawang solusyunan ng ating gobyerno, kaya hanggang ngayon ay patuloy pa rin naninirahan ang mga tao sa iskwater. 

Mungkahing Gawain:

1. Gawain ng concept map ang salitang iskwater sa loob ng kahon.

Mga sikat na post sa blog na ito

" 𝐀𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠𝐢𝐠𝐢𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐤𝐥𝐚 𝐚𝐲 𝐏𝐚𝐠𝐤𝐚𝐛𝐚𝐲𝐮𝐡𝐚𝐲 𝐫𝐢𝐧 𝐬𝐚 𝐊𝐫𝐮𝐬 𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐥𝐛𝐚𝐫𝐲𝐨" 𝐧𝐢 𝐑𝐨𝐥𝐚𝐧𝐝𝐨 𝐀. 𝐁𝐞𝐫𝐧𝐚𝐥𝐞𝐬

"𝐒𝐀𝐍𝐀𝐘𝐀𝐍 𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐏𝐀𝐓𝐀𝐘" 𝐧𝐢 𝐅𝐫. 𝐀𝐥𝐛𝐞𝐫𝐭 𝐀𝐥𝐞𝐣𝐨