"๐ˆ๐’๐€๐๐† ๐ƒ๐ˆ๐๐€๐๐† ๐‹๐€๐๐†๐ˆ๐“" ๐ง๐ข ๐€๐ฆ๐š๐๐จ ๐•. ๐‡๐ž๐ซ๐ง๐š๐ง๐๐ž๐ณ

                   ๐ˆ๐ฌ๐š๐ง๐  ๐ƒ๐ข๐ฉ๐š๐ง๐  ๐‹๐š๐ง๐ ๐ข๐ญ

            Ako'y ipiniit ng linsil na puno
     hangad palibhasang diwa ko'y piitin, 
    katawang marupok, aniya'y pagsuko,            damdami'y supil na't mithiin ay supil.             Ikinulong ako sa kutang malupit:
   bato, bakal, punlo, balasik ng bantay;
     lubos na tiwalag sa buong daigdig
   at inaring kahit buhay man ay patay. 

Sa munting dungawan, tanging abot-malas
     ay sandipang langit na puno ng luha, 
maramot na birang ng pusong may sugat, 
      watawat ng aking pagkapariwara. 

    Sintalim ng kidlat ang mata ng tanod, 
sa pintong may susi't walang makalapit;
  sigaw ng bilanggo sa katabing moog, 
   anaki'y atungal ng hayop sa yungib. 

     Ang maghapo'y tila isang tanikala
  na kala-kaladkad ng paang madugo
ang buong magdamag ay kulambong luksa
  ng kabaong waring lungga ng bilanggo. 

Kung minsa'y magdaan ang payak na yabag, 
      kawil ng kadena ang kumakalanding;
         sa maputlang araw saglit ibibilad, 
       sanlibong aninong iniluwa ng dilim. 

Kung minsa'y tumangis ang lumang batingaw,
     sa bitayang moog, may naghihingalo. 

  At ito ang tanging daigdig ko ngayon—
bilangguang mandi'y libingan ng buhay;
   sampu, dalawampu, at lahat ng taon
   ng buong buhay ko'y dito mapipigil. 

 Nguni't yaring diwa'y walang takot-hirap
       at batis pa rin itong aking puso:
       piita'y bahagi ng pakikilamas, 
       mapiit ay tanda ng di pagsuko. 

      Ang tao't Bathala ay di natutulog
      at di habang araw ang api ay api, 
      tanang paniniil ay may pagtutuos, 
habang may Bastilya'y may bayang gaganti. 

     At bukas, diyan din, aking matatanaw
   sa sandipang langit na wala nang luha, 
  sisikat ang gintong araw ng tagumpay... 
     layang sasalubong ako sa paglaya! 

     Bartolina ng Muntinlupa– Abril 22, 1952


IKALAWANG GAWAIN

Mungkahing Gawain

     Gumawa ng blog sa 'blogspot.com' o ibang blog sites at ilagay ang mga hinihingi sa ibaba:

1. Basahin at suriin ang mensahe ng tulang "Isang Dipang Langit" ni Amado V. Hernandez. 

–Suriin kung anong uri ng tula? Anong Teoryang pampanitikan ang angkop gamitin sa pagsusuri? 

Sagot: Ang akda ay isang halimbawa ng tulang pasalaysay sapagkat inilahad nito ang isang kasaysayan o mga tagpo at pangyayari sa buhay ng akda. Maaari rin ito ay isang elihiya sapagkat ipinapakita rito ang isang masidhing damdamin ng kalungkutan. 

–Anong Teoryang pampanitikan ang angkop gamitin sa pagsusuri? 

Sagot: Teoryang Realismo– layunin ng panitikan na ito na ipakita ang mga karanasan at nasaksisan ng may-akda sa kanyang lipunan. Sumakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat isinaalang-alang ng may akda ang kasiningan at pagka-epektibo ng kanyang sinulat. Nagpapahayag ito ng pagtanggap sa katotohanan o realidad ng buhay. Ang teoryang ito ay tumatalakay sa katotohanan sa lipunan o sinasalamin ang buhay sa katunayan. Karaniwan nitong pinapaksa ay kalagayan na nangyayari sa lipunan tulad ng kurapsyon, katiwalian, kahirapan at diskriminasyon. Madalas din itong naka pokus sa lipunan at gobyerno. Ang akda ng "Isang Dipang Langit" ay maituturing na isang eksposisyon sa kung ano ang tunay na naranasan ng mga tao na nasa piitan. Ang nangyaring pagpapakulong sa tauhan kahit walang kasalanan ay nararanasan rin ng ibang mga tao sa lipunan. Ang pagpapakulong sa mga taong walang kasalanan ay isang uri ng pang-aabuso lalong-lalo ng mga taong nasa kapangyarihan.

–Anong taglay ng diwa/tema ang inilalarawan ng persona sa tula. 

Sagot: Ang diwa/tema na inilalarawan ng persona sa tulang ito ay ang kalungkutan na nadarama na nagsasalita dahil sa kaniyang pagkabilanggo. Ipinararamdam ng tula ang mahirap na dinaranas ng isang bilanggo sa araw- araw at ang kanyang hangaring makalaya. 

–Piliin ang pinakamagandang saknong na iyong nagustuhan at bigyan kung bakit mo ito napili.

Sagot: Ang napili kong saknong na aking nagustuhan ay ika-sampung saknong sinabi rito na "ang tao't Bathala ay di natutulog at di habang araw ang api ay api, tanang paniniil ay may pagtutuos, habang may Bastilya'y may bayang gaganti"

-Napili ko ang saknong na ito dahil naipapakita rito na kahit anong dilim o puot ang iyong nararamdaman huwag kang mawalan ng pag-asa. Batid ng may akda na sa kabila ng dilim ay may liwanag o pag-asa na may isang taong makakatulong sa iyo. Sabi nga sa tula na "ang tao't Bathala ay hindi natutulog at di- habang araw ay ang api ay api". Lagi nating alalahanin na sinabi ng Diyos na tayo ay mga taong malaya, kaya huwag nating kalimutan na wala tayong karapatan na mang-api ng kapwa at apihin ang ating kapwa. Batid ng Diyos na nariyan lamang siya at nakikita lahat ng mga nangyayari dito sa lupa. Bagaman hindi natin ito nakikita, alam niyang narito lamang siya sa tabi ng mga inaapi at ang paghihirap na dinanas ng mga tao sa buhay ay may hangganan. 

2. Ipakilala ninyo sa akin si Amado V. Hernandez sa loob ng 50 na salita.

Sagot: Siya ay isang makata at manunulat sa Wikang Tagalog at itinanghal bilang Pambansang Alagad ng Sining sa larangan ng panitikan. Ang kaniyang mga akda ay makabayan at tumatalakay sa mga problemang panlipunan. Siya ay tinaguriang bilang "Manunulat ng mga Manggagawa" dahil nasasalamin sa kanyang tula ang marubdob na pagmamahal sa mga dukhang manggawa. Para sa kanya ang tula ay halimuyak, taginting, salamisim, aliw-iw. 

3. Gawing maikling kuwento ang tulang "Isang Dipang Langit" ni Amado Hernandez. 

–Ang maikling kuwento ay halaw sa Isang Dipang Langit. 

Sagot. Ang tulang ito na pinamagatang "Isang Dipang Langit" na isinulat ni Amado Hernandez sa loob ng kulungan ito ay nagsasalaysay sa mga karanasan niya matapos siyang makulong ng walang sala. Ito rin ay nagpapakita ng mga pinagdadaanan ng mga bilanggo sa araw-araw nilang buhay. Labis na pighati ang naramdaman ni Amado sapagkat hindi niya mapaglilingkuran ang bayan. Ang kalupitan ng nararamdaman niya ay hindi lang sa kaniya kung hindi pati na rin sa iba na itinuturing na parang hayop. Ang bawat oras niya sa loob ng bilangguan ay napakatagal at patuloy ang kaniyang pagluluksa. Ang loob ng bilangguan ay parang isang libingan ng mga buhay na tila nilamon ng kadiliman ang pag-asa ng mga taong nasa piitan. Nakaranas sila ng kaparusahan sa loob ng piitan. Maaari naman silang tumakas ngunit kung gagawin nila ito ay walang pahuhuli dahil kamatayan ang nakasunod. Tanggap ni Amado na siya ay hindi na makalabas sa kinalalagyan niyang itinuring niyang impyerno. Pero naiisip niyang walang susuko hangga't siya ay nabubuhay. Batid ni Amado na nariyan lamang ang Diyos na nagmamasid, hindi man ito nakikita ngunit nariyan lamang siya sa tabi ng mga inaapi. Hindi laging api ang mga inaapi dahil darating ang araw na ang bayan ay maghihiganti sa mga mapang-api. Sa bandang huli ng saknong sinabi nya rito na di na siya luluha bagkus ay darating ang panahon at siya'y makakalaya sa kulungang rehas na iyon at hintayin na lamang ang pagtatagumpay ng bayan. 

Mga sikat na post sa blog na ito

"๐ˆ๐’๐Š๐–๐€๐“๐„๐‘"

" ๐€๐ง๐  ๐๐š๐ ๐ข๐ ๐ข๐ง๐  ๐๐š๐ค๐ฅ๐š ๐š๐ฒ ๐๐š๐ ๐ค๐š๐›๐š๐ฒ๐ฎ๐ก๐š๐ฒ ๐ซ๐ข๐ง ๐ฌ๐š ๐Š๐ซ๐ฎ๐ฌ ๐ง๐  ๐Š๐š๐ฅ๐›๐š๐ซ๐ฒ๐จ" ๐ง๐ข ๐‘๐จ๐ฅ๐š๐ง๐๐จ ๐€. ๐๐ž๐ซ๐ง๐š๐ฅ๐ž๐ฌ

"๐’๐€๐๐€๐˜๐€๐ ๐‹๐€๐๐† ๐€๐๐† ๐๐€๐†๐๐€๐“๐€๐˜" ๐ง๐ข ๐…๐ซ. ๐€๐ฅ๐›๐ž๐ซ๐ญ ๐€๐ฅ๐ž๐ฃ๐จ