"𝐁𝐀𝐁𝐀𝐄 𝐊𝐀" 𝐍𝐢 𝐀𝐧𝐢 𝐌𝐨𝐧𝐭𝐚𝐧𝐨
"𝐁𝐀𝐁𝐀𝐄 𝐊𝐀"
𝐍𝐢 𝐀𝐧𝐢 𝐌𝐨𝐧𝐭𝐚𝐧𝐨
𝐁𝐚𝐛𝐚𝐞 𝐤𝐚, 𝐡𝐢𝐧𝐚𝐡𝐚𝐧𝐠𝐚𝐝, 𝐬𝐢𝐧𝐚𝐬𝐚𝐦𝐛𝐚
𝐈𝐩𝐢𝐧𝐚𝐠𝐭𝐚𝐭𝐚𝐧𝐠𝐠𝐨𝐥, 𝐢𝐤𝐚𝐰 𝐧𝐚𝐦𝐚’𝐲 𝐰𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐚𝐲𝐚.
𝐀𝐧𝐠 𝐝𝐚𝐢𝐠𝐝𝐢𝐠 𝐦𝐨’𝐲 𝐥𝐚𝐠𝐢 𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐬𝐚 𝐭𝐚𝐡𝐚𝐧𝐚𝐧
𝐆𝐚𝐧𝐝𝐚 𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐤𝐢𝐧𝐚𝐛𝐚𝐧𝐠, 𝐬𝐚 𝐛𝐮𝐡𝐚𝐲 𝐰𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐥𝐚𝐦.
𝐍𝐚𝐩𝐚𝐭𝐮𝐧𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐦𝐨, 𝐤𝐚𝐲𝐚 𝐦𝐨𝐧𝐠 𝐢𝐩𝐚𝐠𝐥𝐚𝐛𝐚𝐧
𝐀𝐧𝐠 𝐢𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐫𝐚𝐩𝐚𝐭𝐚𝐧 𝐚𝐭 𝐠𝐚𝐧𝐚𝐩 𝐧𝐚 𝐤𝐚𝐥𝐚𝐲𝐚𝐚𝐧.
𝐀𝐧𝐠 𝐩𝐢𝐧𝐭𝐨 𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠-𝐮𝐧𝐥𝐚𝐝 𝐬𝐚 ‘𝐲𝐨 𝐥𝐚𝐠𝐢𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐤𝐚𝐬𝐚𝐫𝐚
𝐇𝐚𝐫𝐚𝐩𝐢𝐧 𝐦𝐨, 𝐛𝐮𝐤𝐬𝐚𝐧 𝐦𝐨
𝐈𝐛𝐚𝐧𝐠𝐨𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐤𝐚𝐭𝐚𝐨
𝐁𝐚𝐛𝐚𝐞 𝐤𝐚.
𝐊𝐚𝐥𝐚𝐡𝐚𝐭𝐢 𝐤𝐚 𝐧𝐠 𝐛𝐮𝐡𝐚𝐲
𝐊𝐮𝐧𝐠 𝐢𝐤𝐚𝐰 𝐤𝐚𝐲𝐚’𝐲 𝐰𝐚𝐥𝐚 𝐬𝐚𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐛𝐮𝐡𝐚𝐲 𝐢𝐩𝐮𝐩𝐮𝐧𝐥𝐚?
𝐏𝐢𝐧𝐚𝐭𝐮𝐧𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐦𝐨𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐲𝐚 𝐦𝐨𝐧𝐠 𝐢𝐩𝐚𝐠𝐥𝐚𝐛𝐚𝐧
𝐀𝐧𝐠 𝐢𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐫𝐚𝐩𝐚𝐭𝐚𝐧 𝐚𝐭 𝐠𝐚𝐧𝐚𝐩 𝐧𝐚 𝐤𝐚𝐥𝐚𝐲𝐚𝐚𝐧.
𝐀𝐧𝐠 𝐩𝐢𝐧𝐭𝐨 𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠-𝐮𝐧𝐥𝐚𝐝 𝐬𝐚’𝐲𝐨 𝐧𝐠𝐚𝐲𝐨’𝐲 𝐧𝐚𝐤𝐚𝐛𝐮𝐧𝐠𝐚𝐝
𝐇𝐚𝐫𝐚𝐩𝐢𝐧 𝐦𝐨, 𝐛𝐮𝐤𝐬𝐚𝐧 𝐦𝐨
𝐈𝐛𝐚𝐧𝐠𝐨𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐤𝐚𝐭𝐚𝐨
𝐁𝐚𝐛𝐚𝐞 𝐤𝐚.
𝐃𝐚𝐡𝐢𝐥 𝐬𝐚 𝐚𝐤𝐚𝐥𝐚 𝐚𝐲 𝐦𝐚𝐡𝐢𝐧𝐚 𝐤𝐚
𝐀𝐥𝐚𝐠𝐚 𝐦𝐨 𝐚𝐲 𝐝𝐢 𝐧𝐚𝐤𝐢𝐤𝐢𝐭𝐚
𝐁𝐢𝐬𝐢𝐠 𝐦𝐨 𝐦𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐥𝐚𝐤𝐚𝐬 𝐚𝐲 𝐤𝐮𝐥𝐚𝐧𝐠
𝐍𝐠𝐮𝐧𝐢𝐭 𝐬𝐚 𝐢𝐬𝐢𝐩 𝐤𝐚 𝐛𝐢𝐧𝐢𝐲𝐚𝐲𝐚𝐚𝐧
𝐔𝐩𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐧𝐠 𝐭𝐢𝐧𝐢𝐠 𝐦𝐨’𝐲 𝐦𝐚𝐠𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐩𝐚𝐠𝐩𝐚𝐬𝐲𝐚
𝐔𝐩𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐤𝐚𝐰 𝐚𝐲 𝐥𝐮𝐦𝐚𝐲𝐚
𝐋𝐮𝐦𝐚𝐛𝐚𝐧 𝐤𝐚, 𝐛𝐚𝐛𝐚𝐞 𝐦𝐚𝐲 𝐭𝐮𝐧𝐠𝐤𝐮𝐥𝐢𝐧 𝐤𝐚
𝐒𝐚 𝐩𝐚𝐠𝐩𝐚𝐩𝐚𝐥𝐚𝐲𝐚 𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐧𝐚 𝐬𝐢𝐲𝐚 𝐧𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐬𝐢𝐦𝐮𝐥𝐚𝐢𝐧.
Pagtataya
1. Paano inilarawan ang babae sa awit?
—Inilarawan ang babae sa awiting pinamagatang "babae ka" ni ani montano bilang hinahangad, sinasamba at ipinagtatanggol.
2. Sang-ayon ka ba sa sinabi sa awit na ang babae ay ganda lang ang pakinabang at sa buhay walang alam? Ipaliwanag
—Para sa akin hindi ako sang-ayon sa sinabi sa awit na ang babae ay ganda lang ang pakinabang at sa buhay walang alam, dahil ang pagiging babae ay hindi biro. Nariyan ang mga napakalaking tungkulin na gagampanan. Sa makabagong panahon, marami na pwedeng gawin ang isang babae. Hindi limitado ang kanyang mga nagagawa at naiaambag sa lipunan. Ito ang ilan sa mga tungkulin kanyang dapat gampanan. Kung ang babae ay nagpasyang ikasal, magdalang-tao at magkapamilya, tungkulin niya na mapalaking maayos ang kanyang mga anak at siguraduhing tulungan ang kanyang asawa. Bilang isang babae, asawa, ina, tungkulin niya na maging mabuting halimbawa sa iba ring kababaihan nang sa ganun ay makapagsimula ng pagbabago sa lipunan. Tungkulin niyang galangin ang kanyang sarili at maging maingat sa kilos at salita upang pamarisan ng mga nakakabatang kababaihan.
3. Magbigay ng mga halimbawang nagpapatunay na kaya ng babaeng ipaglaban ang kanyang karapatan at kalayaan.
—Ang mga halimbawang nagpapatunay na kaya ng babaeng ipaglaban ang kanyang karapatan at kalayaan ay ang pagpapakita ng lakas ng loob kung saan dito humuhugot ng lakas para lumaban, ipaglaban ang karapatan at kalayaan bilang isang babae. Dahil lahat tayo sa mundo ay may kalayaan, kalayaan na lahat tayo ay may karapatan na gawin ang mga bagay-bagay na gugustuhin natin at hindi makakasakit ng iba. Hindi mahalaga ang pangalan. Ang mahalaga ay ipakita mo kung ano ka bilang isang tunay na babae. May dignidad, takot sa Diyos, pagmamahal sa sarili, sa kapwa at sa bayan.
4. Ano-ano ang payo ng may-akda ng awit sa mga babae?
—Ang mga payo ng may-akda ng awit sa mga babae ay kung paano lumaban ang mga babae upang lumaya, ipaglaban ang iyong karapatan at ganap na kalayaan. Wag mong ipakita na ikaw ay mahina, ipakita mo kung ano ka bilang isang babae, ano man ang pagtingin nila sayo, ang mahalaga ay handa kang gawin ang iyong tungkulin at alam mong gamitin sa tama ang iyong karapatan.
5. Ayon sa awit, bakit hindi nakikita ang halaga ng mga babae? Umiiral pa rin ba sa kasalukuyan ang gayong akala?
— Kung dati ang mga babae ay hindi napagtutuunan ng pansin, hindi nabibigyang halaga at laging mababa sa pagtingin ng mga kalalakihan, ngayon ay iba na. Malayo na tayo sa panahong iyon, hindi na nila maaaring sabihing babae ka lang at hindi mo kaya. Malaki na iyong magagawa, kung kikilos ka at patutunayan mong mali sila na may kalakasan at kakayahan ka sa likod ng iyong kahinaan.
Mungkahing Gawain
1. Sa loob ng kasunod na kahon, gawan ng concept map ang salitang babae.