Mga Post

" 𝐀𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠𝐢𝐠𝐢𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐤𝐥𝐚 𝐚𝐲 𝐏𝐚𝐠𝐤𝐚𝐛𝐚𝐲𝐮𝐡𝐚𝐲 𝐫𝐢𝐧 𝐬𝐚 𝐊𝐫𝐮𝐬 𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐥𝐛𝐚𝐫𝐲𝐨" 𝐧𝐢 𝐑𝐨𝐥𝐚𝐧𝐝𝐨 𝐀. 𝐁𝐞𝐫𝐧𝐚𝐥𝐞𝐬

" ANG PAGIGING BAKLA AY PAGKABAYUHAY RIN SA KRUS NG KALBARYO " ni Rolando A. Bernales Mula sa antolohiyang Taguan: Dalawang Dekada ng Pagsusulat at Pagkamulat Ang pagiging bakla ay habambuhay Na pagkabayubay sa krus ng kalbaryo Papasanin mo ang krus sa iyong balikat Habang ngalalakad sa kung saan- saang lansangan Di laging sementado o aspaltado ang daan Madalas ay mabato, maputik o masukal Mapalad kung walang magpupukol ng bato o Mangangahas na bumulalas ng pangungutya Kailangang tiisin ang matatalas na sulyap O bulung- bulungan at matutunog na halakhak Di kailangang lumingon pa, di sila dapat kilalanin Sapagkat sila'y iba't ibang mukha: bata, matanda Lalaki, babae, ina, ama, anak o kapatid, mayaman o mahirap,  kilala o di kilala Sinong pipigil sa kanila? hindi ikaw Anong lakas meron ka upang tumutol? Makapaghihimagsik ka pa ba kung ang iyong palad At ang iyong paa'y ipinako na ng lipunan Sa likong kultura't tradisyon at bulok na paniniwalang Nagdidiktang ang ...

"𝐁𝐀𝐁𝐀𝐄 𝐊𝐀" 𝐍𝐢 𝐀𝐧𝐢 𝐌𝐨𝐧𝐭𝐚𝐧𝐨

Imahe
"𝐁𝐀𝐁𝐀𝐄 𝐊𝐀" 𝐍𝐢 𝐀𝐧𝐢 𝐌𝐨𝐧𝐭𝐚𝐧𝐨 𝐁𝐚𝐛𝐚𝐞 𝐤𝐚, 𝐡𝐢𝐧𝐚𝐡𝐚𝐧𝐠𝐚𝐝, 𝐬𝐢𝐧𝐚𝐬𝐚𝐦𝐛𝐚 𝐈𝐩𝐢𝐧𝐚𝐠𝐭𝐚𝐭𝐚𝐧𝐠𝐠𝐨𝐥, 𝐢𝐤𝐚𝐰 𝐧𝐚𝐦𝐚’𝐲 𝐰𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐚𝐲𝐚. 𝐀𝐧𝐠 𝐝𝐚𝐢𝐠𝐝𝐢𝐠 𝐦𝐨’𝐲 𝐥𝐚𝐠𝐢 𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐬𝐚 𝐭𝐚𝐡𝐚𝐧𝐚𝐧 𝐆𝐚𝐧𝐝𝐚 𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐤𝐢𝐧𝐚𝐛𝐚𝐧𝐠, 𝐬𝐚 𝐛𝐮𝐡𝐚𝐲 𝐰𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐥𝐚𝐦. 𝐍𝐚𝐩𝐚𝐭𝐮𝐧𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐦𝐨, 𝐤𝐚𝐲𝐚 𝐦𝐨𝐧𝐠 𝐢𝐩𝐚𝐠𝐥𝐚𝐛𝐚𝐧 𝐀𝐧𝐠 𝐢𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐫𝐚𝐩𝐚𝐭𝐚𝐧 𝐚𝐭 𝐠𝐚𝐧𝐚𝐩 𝐧𝐚 𝐤𝐚𝐥𝐚𝐲𝐚𝐚𝐧. 𝐀𝐧𝐠 𝐩𝐢𝐧𝐭𝐨 𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠-𝐮𝐧𝐥𝐚𝐝 𝐬𝐚 ‘𝐲𝐨 𝐥𝐚𝐠𝐢𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐤𝐚𝐬𝐚𝐫𝐚 𝐇𝐚𝐫𝐚𝐩𝐢𝐧 𝐦𝐨, 𝐛𝐮𝐤𝐬𝐚𝐧 𝐦𝐨 𝐈𝐛𝐚𝐧𝐠𝐨𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐤𝐚𝐭𝐚𝐨 𝐁𝐚𝐛𝐚𝐞 𝐤𝐚. 𝐊𝐚𝐥𝐚𝐡𝐚𝐭𝐢 𝐤𝐚 𝐧𝐠 𝐛𝐮𝐡𝐚𝐲 𝐊𝐮𝐧𝐠 𝐢𝐤𝐚𝐰 𝐤𝐚𝐲𝐚’𝐲 𝐰𝐚𝐥𝐚 𝐬𝐚𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐛𝐮𝐡𝐚𝐲 𝐢𝐩𝐮𝐩𝐮𝐧𝐥𝐚? 𝐏𝐢𝐧𝐚𝐭𝐮𝐧𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐦𝐨𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐲𝐚 𝐦𝐨𝐧𝐠 𝐢𝐩𝐚𝐠𝐥𝐚𝐛𝐚𝐧 𝐀𝐧𝐠 𝐢𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐫𝐚𝐩𝐚𝐭𝐚𝐧 𝐚𝐭 𝐠𝐚𝐧𝐚𝐩 𝐧𝐚 𝐤𝐚𝐥𝐚𝐲𝐚𝐚𝐧. 𝐀𝐧𝐠 𝐩𝐢𝐧𝐭𝐨 𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠-𝐮𝐧𝐥𝐚𝐝 𝐬𝐚’𝐲𝐨 𝐧...

"𝐒𝐀𝐍𝐀𝐘𝐀𝐍 𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐏𝐀𝐓𝐀𝐘" 𝐧𝐢 𝐅𝐫. 𝐀𝐥𝐛𝐞𝐫𝐭 𝐀𝐥𝐞𝐣𝐨

         SANAYAN LANG ANG PAGPATAY                    Fr. Albert Alejo, SJ (Para sa sektor nating pumapatay ng tao)  Pagpatay ng tao? Sanayan lang ‘yan pare. Parang sa butiki. Sa una siyempre Ikaw’y nangingimi. Hindi mo masikmurang Tiradurin o hampasing tulad ng ipis o lamok Pagkat para bang lagi ‘yang nakadapo Sa noo ng santo sa altar At tila may tinig na nagsasabing Bawal bawal bawal ‘yang pumatay. Subalit tulad lang ng maraming bagay Ang pagpatay ay natututuhan din kung magtitiyaga Kang makinig sa may higit na karanasan. Nakuha ko sa tiyuhin ko kung paanong balibagin ng tsinelas O pilantikin ng lampin ang nakatitig na butiki sa aming kisame At kapag nalaglag na’t nagkikikisay sa sahig Ay agad ipitin nang hindi makapuslit Habang dahan-dahang tinitipon ang buong bigat Sa isang paang nakatingkayad: sabay bagsak. Magandang pagsasanay ito sapagkat Hindi mo nakikita, naririnig lamang na lumalangutngot Ang buo’t...

"𝐈𝐒𝐊𝐖𝐀𝐓𝐄𝐑"

Imahe
𝐈𝐒𝐊𝐖𝐀𝐓𝐄𝐑 𝐧𝐢 𝐋𝐮𝐢𝐬 𝐆. 𝐀𝐬𝐮𝐧𝐜𝐢𝐨𝐧 𝐌𝐮𝐥𝐚 𝐬𝐚 𝐀𝐧𝐢: 𝐏𝐚𝐧𝐢𝐭𝐢𝐤𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐡𝐢𝐫𝐚𝐩𝐚𝐧 PAGTATAYA Narito ang gabay sa pagsusuri at huwag kalimutan na ilagay pa rin sa inyong ginawang blog ang mga sumusunod na sagot sa pagsusuri.  1. Ano ang sentral na paksa ng sanaysay? Sagot: Ang pangunahing paksa ng sanaysay ay ang uri ng pamumuhay ang mayroon ang bida sa akda sa tinitirhang iskwater area. Kung paano ito nagbago ang problemang hinaharap, at saloobin na binabahagi ng bidang karakter.  2. Mayroon bang paksa na 'di tuwirang tinatalakay sa tekso? Magbigay ng halimbawa.  Sagot: Mayroon, ito ay ang dahilan kung kung bakit nagsulputan ang mga mansyon sa isang lugar (iskwater) kung saan ang tanging naninirahan lamang ay ang mga mahihirap. Hindi ito binigyang linaw ng may akda kaya ang nag-iwan ito ng katanungan sa aking kaisipan.  3. Ano ang layunin ng may sa pagtatalakay sa paksa?  Sagot: Ang akda ay nagbabahagi ng karanasan at saloobin. ...

"𝐈𝐒𝐀𝐍𝐆 𝐃𝐈𝐏𝐀𝐍𝐆 𝐋𝐀𝐍𝐆𝐈𝐓" 𝐧𝐢 𝐀𝐦𝐚𝐝𝐨 𝐕. 𝐇𝐞𝐫𝐧𝐚𝐧𝐝𝐞𝐳

                   𝐈𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐃𝐢𝐩𝐚𝐧𝐠 𝐋𝐚𝐧𝐠𝐢𝐭             Ako'y ipiniit ng linsil na puno      hangad palibhasang diwa ko'y piitin,      katawang marupok, aniya'y pagsuko,            damdami'y supil na't mithiin ay supil.             Ikinulong ako sa kutang malupit:    bato, bakal, punlo, balasik ng bantay;      lubos na tiwalag sa buong daigdig    at inaring kahit buhay man ay patay.  Sa munting dungawan, tanging abot-malas      ay sandipang langit na puno ng luha,  maramot na birang ng pusong may sugat,        watawat ng aking pagkapariwara.      Sintalim ng kidlat ang mata ng tanod,  sa pintong may susi't walang makalapit;   sigaw ng bilanggo sa katabing moog,     anaki'y atungal ng h...